ABAP susuportahan ang Batang Pinoy

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng suporta ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa isinasagawang Batang Pinoy.

Nakipagpulong si  ABAP executive director Ed Picson kay PSC ED Atty. Guillermo Iroy Jr. para ilatag ang plano sa boxing event sa kompetisyon sa Visayas na magsisimula na sa Lunes sa Maasin City, Southern Leyte.

“We recognize the impact of this grassroots deve­lopment program in flushing out young talents in the countryside,” wika ni Picson.

“With the Youth Olympic Games looming, we need to discover and train more young kids as soon as possible,” dagdag  nito.

Ang mga bagong batas na ipinaiiral sa sport ang siyang gagamitin din ng ABAP sa Batang Pinoy na bukas para sa mga manlalarong edad 15-anyos pababa.

Magkakaroon pa ng Luzon Elimination sa Iba, Zambales sa susunod na buwan at ang mga mananalo ay aabante sa National Finals sa Bacolod City sa Nobyembre.

Ang mga mananalo sa National Finals ay magkakaroon ng pagkakataon na masama sa ABAP pool at sasanayin para sa YOG kompetisyon sa Nanjing, China sa Agosto, 2014.

Si AIBA International 3-star referee-judge Roger Fortaleza ang siyang tournament supervisor habang si Ma. Karina Picson na AIBA International Technical Official ang siyang tutulong kay Fortaleza.

 

Show comments