Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
4 p.m. National University vs UST
(Final Four)
MANILA, Philippines - Nakuha ni LA Revilla ang galing sa pagbuslo sa tres sa mahalagang laban para tulungan ang La Salle sa 74-69 panalo sa FEU sa 76th UAAP men’s basketball playoff kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Naghahatid lamang ng 4.3 puntos at may apat na tres sa kabuuan ng 12 laro, ang beteranong si Revilla ay gumawa ng season-high na 20 puntos tampok ang 6-of-11 shooting sa 3-point line.
Anino lamang ang TaÂmaraws ng kanilang pagiÂging number one team sa pagbuslo ng tres matapos ang 4-of-33 marka para kunin ng Archers ang twice-to-beat advantage sa kanilang Final Four match.
Ang ikaanim na tres ni Revilla ay nangyari sa huling 55.1 segundo upang iakyat ang bentahe sa walo, 71-63.
“We worked on our shooting last week and we were fortunate that they made the shots. But we could have done better in the fourth period,†wika ni Archers first year coach Juno Sauler na pinalawig sa walo ang pagpapanalo.
May 11 tres ang pumasok sa 32 ng Archers sa labanan at walo rito ay ginawa sa first half na nakatulong para hawakan ang 37-27 kalamangan.
Pinakamalaking kalaÂmangan ng Archers ay naitala sa 15 puntos na hu-ling nangyari sa 66-51 pero ang Tamaraws ay buma-ngon at nakapanakot pa.
Si Terrence Romeo na nalimitahan sa tatlong puntos sa first half ay tumapos pa bitbit ang 22 puntos at siya ay nakipagtulungan kay RR Garcia at Gryann Mendoza para mapaganda ang laban.
Dalawang dikit na tres ni Mendoza ang nagpalapit sa FEU sa limang puntos, 63-68, bago nakakawala si Revilla ng mahalagang tres.
Tatlong free throws ang pambawi ni Romeo pero tatlong sablay na opensa ang nangyari sa FEU para maibigay sa Archers ang panalo.
Ang Final Four ng dalawang koponan ay opisyal na magsisimula sa Miyerkules at kailangan na lamang ng La Salle na manalo para pumasok sa Finals.
Samantala, pupuntirÂyahin naman ng number one team na National University ang kauna-unahang puwesto sa championship round sa pagharap sa fourth seed na UST Tigers sa ganap na alas-4 ng hapon sa Mall of Asia Arena.
May twice-to-beat advantage ang tropa ni coach Eric Altamirano.
DLSU (74) – Revilla 20, Perkins 14, Teng 13, Van Opstal 6, T. Torres 6, Salem 6, Vosotros 4, N. Torres 3, Tampus 2, De La Paz 0.
FEU (69) – Romeo 22, Garcia 16, Belo 9, Tolomia 6, Mendoza 6, Pogoy 4, Hargrove 4, Cruz 2, Sentcheu 0.
Quarterscores: 18-11; 37-27; 60-49; 74-69.