MANILA, Philippines - Nasa 1000 taekwondo jins ang sasabak sa aksyon sa 2013 SMART National Inter-School Championships simula ngayo sa Rizal Memorial Coliseum.
Ang mga kasali ay manggagaling sa 500 paaralan sa buong bansa na kasapi ng Philippine Taekwondo Association (PTA) at sila ay maglalaban sa mga dibisyon ng novice at advance male at female sa seniors, juniors, cadets at grade schools.
Para tumaas ang kalidad ng kompetisyon na magsisimula sa ganap na ika-9 ng umaga, ang mga national training pool members ay maaaring sumali.
Suportado ang kompetisyon ng Philippine Sports Commission (PSC), SMART Communications, MVP Sports Foundation, PLDT, TV5, Meralco at MILO, ang mga paaralang nagpatala na ay ang De La Salle University (Taft, Zobel, Lipa and Dasmariñas), College of St. Benilde, University of the Philippines, University of Santo Tomas, Ateneo de Manila University, Far Eastern University, University of the East, San Beda College (Alabang, Mendiola and Taytay), Letran College, Don Bosco School (Makati and Mandaluyong), St. Theresa’s College, Lourdes School (Mandaluyong and Quezon City), OBMC, University of Batangas, Diliman Preparatory School, School of St. Anthony, St. Vincent School, UPIS at Rizal High School.