Patriots dinurog ang Wildcats sa UCAA

Laro Ngayon

(Olivarez College gymnasium)

10 a.m. MLQU vs PSBA

(knockout game)

 

MANILA, Philippines - Tumapos ng 27 puntos si Clifford Castro para sa La Salle-Dasmariñas na dinurog ang National College of Business and Arts, 105-85 sa wild-card phase ng 12th UCAA men’s basketball sa Ugnayang La Salle gymnasium sa Dasmariñas.

Tatlong tres ang gina­wa ni Castro sa unang yugto lamang para makalayo agad ang Patriots at makakuha ng puwesto sa semifinals sa liga.

May 3-3 karta ang Patriots sa elimination round para makasalo ang Wildcats at pahingang MLQU Stallions sa ikatlo hanggang ikalimang puwesto.

Ang Philippine School of Business Administration Jaguars na may 2-4 baraha, ay nanalo sa Stallions, 104-86, matapos maghatid ng 28 puntos si Kenneth Agustin.

Magkikita pa ang dalawang koponan sa Biyernes para malaman kung sino ang aabante sa semifinals.

Ang La Salle-Dasmariñas ay makikipagsukatan sa Olivarez College Sea Lions na hindi natalo sa anim na laro.

Show comments