Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome,
Pasay City)
5:15 p.m. Alaska
vs Barako Bull
7:30 p.m. Talk ‘N Text
vs Rain or Shine
MANILA, Philippines - Sa hangaring makapasok sa eight-team quarterfinal round ay hinugot ng Talk ‘N Text si Courtney Fells bilang kapalit ni Tony Mitchell.
Ipaparada ng Tropang Texters si Fells sa pagsagupa sa nagdedepensang Rain or Shine Elasto PainÂters ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Barako Bull at Alaska sa alas-5:15 ng hapon sa elimination round ng 2013 PBA Governor’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Kasalukuyang nasa isang three-game losing slump ang Texters at naghahangad na maipanalo ang kanilang huling dalawang laro sa tsansang makaabante sa quarterfinals.
Nakita ang 27-anyos na si Fells para sa Boston CelÂtics sa nakaraang NBA Summer League kung saan siya nagposte ng mga aÂverages na 7.2 points, 1.8 rebounds at 1.6 steals.
Nagmula ang Tropang Texters sa 102-106 kabiguan sa Air21 Express noong nakaraang Biyernes para sa kanilang ikatlong sunod na kamalasan.
Kagaya ng Texters, nanggaling din sa pagkatalo ang Painters matapos lusutan ng Ginebra, 100-101, noÂong Sabado.