‘Suportahan na lang n’yo ako’ - Mikee
MANILA, Philippines - Hiningi kahapon ni Mikee Cojuangco-Jaworski ang suporta ng lahat para maibangon ang antas ng palakasan sa bansa.
Dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kasama ang kanyang ama na si PhiÂlippine Olympic Committee (POC) president Jose Cojuangco Jr., ipinagkibit-balikat ni Cojuangco-Jaworski ang mga puna na siya ay bata pa o may nangyaring paÂlakasan kaya’t nanalo siya sa botohan para maÂging IOC member sa Pilipinas.
“Everybody is entitled to their opinion. I just hope that they have the knowledge to make an intelligent opinion. Sana ay magtulungan na lamang tayo para umangat lahat dahil ang ginagawa naÂtin ay nagre-reflect sa ating bansa,†wika ni Cojuangco-Jaworski na siyang papalit sa puwestong iniwan ni Frank Elizalde.
Tiniyak din niya na maÂgagampanan niya ng maaÂyos ang ibinigay na posisyon sa kanya ng IOC body na kung saan maninilbihan siya sa loob ng walong taon.
Plano niyang palalimim ang pakikipagkaibigan sa ibang IOC members para magkaroon ng pagkakaÂtaon na makita kung bakit matagumpay ang mga ito sa mundo ng palakasan.
Hindi naman niya puwedeng itulak sa IOC ang mga programang kailangan ng Pilipinas para umangat dahil ito ay isa sa ipinagbabawal sa ethics ng international body.
Sa panig ng nakatatandang Cojuangco, ang pagkapasok ng anak sa IOC ay patunay na kinikilala ng buong mundo ang presenÂsya sa palakasan ng Pilipinas.
- Latest