MANILA, Philippines - Gumawa ng 10-game series na 2055 pinfalls si Krizziah Tabora para paÂngunahan ang 33 iba pang lady bowlers na umabante sa second round sa 2013 Bowling World Cup natioÂnal finals.
Kumatawan sa Pilipinas sa BWC noong nakaÂraang taon, si Tabora ay aÂngat ng 57 pins kay Rachelle Leon na may 1998 habang 71 pins ang layo ng nasa ikatlÂong si Lara Posadas (1984).
Ang beteranang si Liza del Rosario ang nasa ikatlong puwesto sa 1871.
Nangunguna naman sa kalalakihan si national bowler Benshir Layoso na may 2563 sa 12 games.
May 33 iba pa ang umaÂbante at kasama rito ang six-time world champion Paeng Nepomuceno na gumawa ng 2476 para malagay sa ikaanim na puwesto.
Nasa ikalawang puÂwesÂto ang national plaÂyer na si Raoul Miranda sa 2523 bago sinundan ng ‘di kilaÂlang si Larry Tinio (2519), J. Em Ang (2491) at Jeff Carabeo (2480).
Maglalaro pa ng 12 gaÂmes ang male bowlers ngayon sa Paeng’s Midtown para malaman ang top eight na papasok sa huling araw ng torneo sa Setyembre 20 sa SM Mall of Asia Center.
Ang women’s bowlers ay maglalaban para sa unang walong puwesto bukas sa SM MOA.
Biyahe sa KrasÂnoyarski, Russia ang premyo ng hihiranging kamÂpeon sa magkabilang dibisyon para katawanin ang Pilipinas sa 2013 Qubica/AMF Finals.