MANILA, Philippines - Pinalakas ng Letran College ang kanilang tsansa para sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four matapos gibain ang Arellano University, 70-59, sa second round ng 89th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Bumangon ang Knights mula sa isang 76-80 kabiguan sa Lyceum Pirates noong Setyembre 5 para makatabla sa liderato ang three-time champions San Beda Red Lions.
Kinuha ng Letran ang isang 16-point lead, 39-23, sa first half bago ito palakihin sa isang 22-point advantage, 47-25, mula sa isang basket ni point guard Mark Cruz sa 7:52 ng third period.
Nailapit ng Arellano ang laro sa pagsisimula ng fourth quarter, 38-57, sa likod nina John Pinto, Prince Caperal at Ralph Salcedo.
Muling itinala ng Knights ang isang 22-point lead, 62-40, kontra sa Chiefs buhat sa split ni Rey Mambatac sa 5:37 ng labanan.
Tuluyan nang sinelyuhan ng Letran ang kanilang tagumpay, tinalo ang Arellano, 67-57, sa first round noong Hulyo 25, matapos isalpak ni 6-foot-7 center Raymond Almazan ang isang two-handed slam dunk para sa kanilang 66-45 kalamangan sa huling 3:19 minuto.
Pinangunahan ni John Tambeling ang Knights mula sa kanyang 15 points kasunod ang tig-12 nina Cruz at Alamazan at 10 ni Nambatac.
Umiskor naman si Pinto ng 17 markers para sa Chiefs, habang may tig-11 sina Caperal at Adam SerÂjue.
Letran 70 -- Tambeling 15, Cruz 12, Almazan 12, Nambatac 10, Racal 8, Castro 4, Gabawan 4, Belorio 3, Publico 2, Po 0, Luib 0, Olotu 0, Buenaflor 0.
Arellano 59 -- Pinto 17, Serjue 11, Caperal 11, Salcedo 6, Forrester 5, Nicholls 3, Hernandez 3, Jalalon 2, Agovida 1, Bangga 0, Margallo 0, Cadavis 0.
Quarterscores: 23-14; 39-23; 57-36; 70-59.