^

PSN Palaro

Letran dumalawa sa AU

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinalakas ng Letran College ang kanilang tsansa para sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four matapos gibain ang Arellano University, 70-59, sa second round ng 89th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Bumangon ang Knights mula sa isang 76-80 kabiguan sa Lyceum Pirates noong Setyembre 5 para makatabla sa liderato ang three-time champions San Beda Red Lions.

Kinuha ng Letran ang isang 16-point lead, 39-23, sa first half bago ito palakihin sa isang 22-point advantage, 47-25, mula sa isang basket ni point guard Mark Cruz sa 7:52 ng third period.

Nailapit ng Arellano ang laro sa pagsisimula ng fourth quarter, 38-57, sa likod nina John Pinto, Prince Caperal at Ralph Salcedo.

Muling itinala ng Knights ang isang 22-point lead, 62-40, kontra sa Chiefs buhat sa split ni Rey Mambatac sa 5:37 ng labanan.

Tuluyan nang sinelyuhan ng Letran ang kanilang tagumpay, tinalo ang Arellano, 67-57, sa first round noong Hulyo 25, matapos isalpak ni 6-foot-7 center Raymond Almazan ang isang two-handed slam dunk para sa kanilang 66-45 kalamangan sa huling 3:19 minuto.

Pinangunahan ni John Tambeling ang Knights mula sa kanyang 15 points kasunod ang tig-12 nina Cruz at Alamazan at 10 ni Nambatac.

Umiskor naman si Pinto ng 17 markers para sa Chiefs, habang may tig-11 sina Caperal at Adam Ser­jue.

Letran 70 -- Tambeling 15, Cruz 12, Almazan 12, Nambatac 10, Racal 8, Castro 4, Gabawan 4, Belorio 3, Publico 2, Po 0, Luib 0, Olotu 0, Buenaflor 0.

Arellano 59 -- Pinto 17, Serjue 11, Caperal 11, Salcedo 6, Forrester 5, Nicholls 3, Hernandez 3, Jalalon 2, Agovida 1, Bangga 0, Margallo 0, Cadavis 0.

Quarterscores: 23-14; 39-23; 57-36; 70-59.

 

ADAM SER

ARELLANO

ARELLANO UNIVERSITY

CRUZ

FINAL FOUR

JOHN PINTO

JOHN TAMBELING

LETRAN

LETRAN COLLEGE

LYCEUM PIRATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with