^

PSN Palaro

Mayweather huhubaran ng titulo si Alvarez

Pilipino Star Ngayon

LAS VEGAS -- Matapos ang weigh-in kung saan tumimbang si Floyd Mayweather Jr. ng bigat na 150.5 pounds at 152 naman si Canelo Alvarez, tumayo ng magkaharap ang dalawang boxers at nagtitigan. Inaasar ni Mayweather si Alvarez na nanatiling nakatitig na parang isang rebulto.

Tinangka ni Mayweather na ipahawak kay Alvarez ang espesyal na solid gold WBC belt na ibibigay sa mananalo.

Hinawakan ni Mayweather ang kanang kamay ni Alvarez na nagpapakita ng kanyang mga muscle.

Lumayo si Alvarez at sa halip ay tiningnan lamang ang weigh-in record na 12,200 fans.

Itataya ngayon ng 23-anyos na si Alvarez (42-0-1, 30 knockouts) ang kanyang suot na WBC junior middleweight belt ngayon sa MGM Grand.

“I was born ready,” sabi ng Mexican star. “I’m not going to let that guy tell me what to do.”

Si Alvarez ay may gua-ranteed na $5 million purse na maaaring lumaki sa $10 milyon mula sa kita sa pay per view, habang ibubulsa naman ni Mayweather ang record guarantee na $41.5 milyon at maaaring lumobo pa sa $70 hanggang $80 milyon matapos ang laban.

 

vuukle comment

ALVAREZ

CANELO ALVAREZ

FLOYD MAYWEATHER JR.

HINAWAKAN

INAASAR

ITATAYA

LUMAYO

MATAPOS

MAYWEATHER

SI ALVAREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with