MANILA, Philippines - Nagdomina ang San Beda sa idinaos na MVP Best of the Best taekwondo championships sa Mall of Asia sa Pasay City.
Sina Devy John Singson, Dexter Rico at JheÂrald Anthony Rulete ang mga nanalo sa senior men’s habang si Mary Anjelay Pelaez ang sa senior woÂmen’s para sa San Beda para pamunuan ang mga koponang sumali.
Tinalo ni Singson si Matthew Michael Padilla ng Arellano (under 58kg), si Rico ay nanalo kay Lorenze Chavez ng RTU (under 68kg), si Rulete ay nangibabaw kay Edtone Lumasac ng Rizal ProÂvince (Under 80kg) habang si Pelaez ay pinataob si Ronna Ilao ng Lyceum (under 49kg).
Ang National University ang isa pang koponang nakapag-uwi ng mahigit isang gintong medalya nang kunin nina Arven Alcantara (men’s over 80kg) at Shiryl Badol (women’s under 57kg) ang mga ginto.
Si Clouie Bolinas ng FEU (women’s under 67 kg) at national player na si Elaine Alora ng Team Delta (over 67kg) ang iba pang nanalo sa senior division.