MANILA, Philippines - Nilinaw ng pamunuan ng La Salle na karapat-dapat na maging board representative ng paaralan sina Edwin Reyes at Henry Atayde sa UAAP.
Sa inilabas na statement, ipinaliwanag nito na sina Reyes at Atayde ay nakaupo bilang Executive Director for Advancement and Alumni Affairs at Director for Sports Marketing ng DLSU.
Ang mga puwestong ito ay ka-level ng Deans at Chairs sa DLSU.
“Both offices, which were previously under the Vice Chancellor for Lasallian Mission and Alumni Relations until AY 2012-2013, are now reporting directly to the Office of the President and Chancellor.
“In DLSU, Executive Directors and Directors are in the level of Deans and Chairs, respectively, and are considered as administrators,†wika ng statement.
Nais ni Ateneo representative Ricky Palou na maalis sina Atayde at Reyes sa kanilang puwesto dahil hindi umano sila naninilbihan bilang athletic director, professor o miyembro ng school administration na siyang pinahihintulutan na maging board representative base sa batas ng liga.
Banas si Palou kina Atayde at Reyes dahil sinuportaÂhan umano nila ang forfeiture sa naipanalong laro ng Eagles sa UE noong Linggo dahil nasa venue si Ateneo coach Bo Perasol.
Hindi naman kinatigan ng board ang forfeiture bagkus ay hindi pinahintulutan si Perasol na mag-coach sa mahaÂlÂagang laban ng Ateneo sa UST sa Miyerkules dahil ang pagtungo sa venue ni Perasol ay nangangahulugan na hindi niya sinilbihan ang one-game suspension na nag-ugat nang nakipag-away siya sa isang La Salle supporter.
Tikom naman ang bibig ng pamunuan ng UAAP sa kung gagawa ba sila ng aksyon sa kahilingan ni Palou.