Djokovic giniba sa Us Open Finals Nadal matikas pa rin sa hardcourt

NEW YORK-- Hindi nakalaro si Rafael Nadal sa US Open noong nakaraang taon dahil sa problema sa tuhod.

Noong Hunyo naman sa first round ng Wimbledon ay nasibak siya ng isang ranked 135th player.

Ngunit ibang Nadal ang napanood kahapon.

Tinalo ng No. 2-ranked na si Nadal si No. 1 Novak Djokovic, 6-2, 3-6, 6-4, 6-1, sa kanilang finals match para angkinin ang 2013 US Open title. Ito ang ika-13 Grand Slam title ng Spanish netter.

“Very, very emotional, no?” sabi ni Nadal sa on-court trophy presentation. “Probably only my team knows how much (this) means for me.”

Natapos ang laban nina Nadal at Djokovic sa loob ng tatlong oras at 21 minuto.

Kinolekta ni Nadal ang premyong $3.6 milyon, kasama dito ang $1 million bonus para sa resulta sa North American hard-court circuit.

Ito ang pang 37 beses na naglaban sina Nadal at Djokovic na pinakamarami sa US Open era.

Naipanalo ni Nadal ang 22 nilang laro ni Djokovic.

Tinalo ni Nadal si Djokovic para sa US Open title noong 2010, habang rumesbak naman si Djokovic sa kanilang rematch noong 2011.

Show comments