Smart V-Belles pasok na sa quarters sweep sa Cagayan

STANDINGS W    L

CAGAYAN       7     0

ARMY                           3     1

SMART                         4     2

MERALCO       3     2

AIR FORCE     2     2

NAVY                1     4

PNP                   0     4

FEU                    0     5

Laro sa Biyernes

(The Arena, San Juan City)

2 p.m.  Air Force vs Navy

4 p.m. Meralco vs Army

 

MANILA, Philippines - Nakuha ng Cagayan Province ang init ng pag­lalaro sa deciding fifth set upang makumpleto ang 7-game sweep habang tinapos ng Smart-Maynilad ang dalawang sunod na kabiguan sa idinaos na Shakey’s V-League Season 10 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ibinalik sa laro si Thai spiker Kannika Thipachot para makatuwang uli nina Aiza Maizo, Angeli Tabaquero, Wenneth Eulalio at Thai setter Phomia Soraya upang pigilan ang pamamayagpag ng Philippine National Police (PNP) tungo sa 22-25, 29-27, 25-13, 20-25, 15-9, panalo.

Nagdesisyon si Lady Rising Suns coach Nestor Pamilar na bigyan ng pla­ying time ang ibang kasapi ng koponan at ipinahinga si Thipachot sa una at pang-apat na sets para magtabla ang dalawa sa 2-2 iskor.

May 66 attack points ang Cagayan at sina Maizo at Tabaquero ay nagsanib sa 28 puntos at tumapos bitbit ang 19 at 16 puntos. Si Eulalio ay may 16 hits din habang tig-12 ang ginawa nina Thipachot at Joy Benito.

May 24 puntos si Janine Marciano mula sa 19 kills, 3blocks at 2 aces para sa PNP na bumaba sa ikaapat na sunod na pagkatalo sa ligang inorganisa  ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Ipinagdiwang naman ng Smart ang pagdating ng Thai import na si Lithawat Kesinee para iuwi ang 25-18, 25-14, 25-11, panalo sa  Navy sa ikalawang laro.

May 20 puntos si Ke­sinee na kinatampukan ng 16 kills para may makatuwang ang iba pang attackers na sina Sue Roces, Maru Banaticla at Grethcel Soltones na nagsanib sa 34 hits.

Ang panalo ang tumapos sa dalawang dikit na kabiguan upang umabante na sa quarterfinals sa ligang may ayuda ng Accel at Mikasa sa 4-2 karta.

Show comments