Smart netters ibabangon ni Kesinee vs Navy
Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
2 p.m. Cagayan vs PNP
4 p.m. Smart vs Navy
MANILA, Philippines - Ang pagbabalik ni daÂting MVP Lithawat Kesinee para maglaro sa Smart ang siyang magpapalaÂkas sa laban ng koponan kontra Philippine Navy sa pagpapatuloy ngayon ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.
Si Kesinee ay dumating kahapon at sasalang agad sa aksyon para tulungan ang tropa ni coach Roger Gorayeb na wakasan ang dalawang dikit na pagkaÂtalo matapos umalagwa ng tatlong sunod sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Ang larong ito ay mapaÂpanood matapos ang bakbakan ng Cagayan ProÂvince at Philippine National Police sa alas-2 ng hapon.
Pakay ng Lady Rising Suns na makumpleto ang 7-0 sweep sa eliminasyon sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.
Paborito ang tropa ni coach Nestor Pamilar matapos ang di inaasahang madaling 25-9, 25-16, 25-20, straight sets tagumpay sa dating walang talong Philippine Army noong Linggo.
Ang pagpasok ni KeÂsiÂÂnee, isang two-time MVP habang naglalaro sa Ateneo, ay magpapatibay sa net game ng koponan na naunang nagpaparada lamang ng walong manlalaro.
- Latest