^

PSN Palaro

Judiciary pasok na sa semis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binigo ng Judiciary ang Metro Manila Development Authority, 115-61, para kunin ang No. 2 spot sa 1st UNTV Cup noong Linggo sa Fort Bonifacio Marine Corps Jurado Hall gym sa Taguig City.

Nagtala si  Celedon Camaso ng 25 markers para pangunahan ang anim pang players na nag­lista ng double digits para wakasan ng Judiciary ang elims na may 4-2 record.

Pinayukod naman ng Armed Forces of the Phi­lippines ang PhilHealth, 96-74, para makatabla ang Judiciary.

Dahil  tinalo ng Judiciary ang AFP noong Agosto 8, 100-97, makakasama sila ng Philippine Natio­nal Police sa semis.

Makakalaro naman ang AFP sa crossover quarterfinals ta­ngan ang ‘twice-to-beat incentive’ bilang No. 3  team. Kapwa may 2-3 baraha ang MMDA at ang PhilHealth katabla ang Congress-LGU.

Pag-aagawan ng tatlong koponan ang fourth spot na magkakaroon ng ‘twice-to beat incentive’.

Iginupo naman ng PNP ang DOJ, 135-51, para sa kanilang 5-0 record.

Dahil dito, tuluyan nang nasibak ang DOJ sa seven-team league na inorganisa ng Breakthrough and Milestones Productions International na pinamumunuan ni CEO at Chairman Daniel Razon.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHI

BREAKTHROUGH AND MILESTONES PRODUCTIONS INTERNATIONAL

CELEDON CAMASO

CHAIRMAN DANIEL RAZON

DAHIL

FORT BONIFACIO MARINE CORPS JURADO HALL

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PHILIPPINE NATIO

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with