Laro Ngayon
(Fort Bonifacio Marine Corps Jurado Hall)
2:30 p.m. MMDA vs Judiciary
4:00 p.m. PNP vs DOJ
5:30 p.m. PhilHealth vs AFP
MANILA, Philippines - Tatangkain ngayon ng Judiciary na kunin ang numÂber two seeding sa pagharap sa MMDA sa pagpapatuloy ng 1st UNTV Cup ngayon sa Fort Bonifacio Marine Corps Jurado Hall sa Taguig City.
Unang laro ito sa triple-header na nakahanay at magsisimula sa ganap na alas-2:30 ng hapon at nakataya sa Judiciary ang ikaapat na panalo matapos ang anim na laro.
Nasa ikalawang puÂwesÂto ang nasabing koÂpoÂnan pero kasalo ang Armed Forces of the PhiÂlippines (AFP) na susukatin ang PhilHealth dakong alas-5:30 ng hapon.
Kung sakaling manalo ang Judiciary at AFP, aÂangat ang una sa number two at sasamahan ang Philippine National Police sa semifinals dahil tinalo nila ang AFP sa kanilang naunang tagisan.
Hindi naman dapat na magkumpiyansa ang JuÂdiciary dahil gagawin ng MMDA ang lahat ng makakaya para makuha ang panalo at manatiling buhay ang paghahabol sa mahalagang puwesto.
May 2-2 baraha ang MMDA katulad ng PhilHealth at puwede nilang maagaw ang ikalawang puwesto kung mawalis nila ang huling dalawang laro.
Lalapit naman ang PNP sa pagwalis sa elimination round sa pagharap sa walang panalong Department of Justice sa ikalawang laro dakong alas-4.