Serena kakasahan si Azarenka sa US Open semis

NEW YORK--Madaling pinabagsak ni Serena Williams si Li Na ng China, 6-0, 6-3, sa semifinals ng US Open  na pinaglabanan no­ong Biyernes dito.

Halos walang mali sa larong ipinakita ni Williams at  kahit napahirapan siya ni  Na sa second set, lalo na sa eight game nang naka-save ng anim na match point at nanalo pa ang Chinese netter, ay hindi na nagpabaya pa ang number one ranked player na si Williams nang kunin ang panalo sa kanyang serve.

Ang singles title na la­­mang ang puwedeng ma­panalunan ni Williams dahil ang tambalan nila ng kapatid na si Venus para sa ikatlong US Open doubles title ay naglaho na matapos tanggapin ang 4-6, 2-6, straight sets pagkatalo sa fifth seeds na sina  Andrea Hlavackova at Lucie Hradecka.

Makalalaban ni Williams sa titulo si Victoria Azarenka na pinagpahinga si Flavia Pennetta sa 6-4, 6-2.

Bakas sa mukha ni Aza­renka ang hirap na di­naanan dahil hindi niya lubusang nakontrol ang laban sa semis.

Limang beses na-break si  Azarenka at nagbigay pa ng pitong service breaks kay Ivanovic ngunit kuma­pit pa ang suwerte kay Azarenka para naipanalo ang laro.

Higit sa suwerte ay da­pat na magtrabaho nang husto si Azarenka para masilat ang determinadong si Williams sa kanilang finals match.

 

Show comments