Karanasan habol ng volleybelles sa Thailand meet
MANILA, Philippines - Nagpapakatotoo lamang si Nestor Pamilar nang kanyang sabihin na hindi kampeonato kundi karanasang makapaglaro sa international event ang habol ng Pambansang koponan na sasali sa 17th Asian Seniors Women’s Volleyball Championship sa Gym Mall Korat, Nakhon Ratchasima, Thailand.
Pormal na ipinakilala ang manlalarong makakasama sa delegasyon na popondohan ng PLDT HOME Fibr.
“Our main goal is to gain experience through this international league. We’re not aiming for the championship, but we will give it our all,†wika ni Pamilar.
Ang mga manlalarong napili matapos ang tryouts ay sina Aiza Maizo-Pontillas, Angeli Tabaquero, Pau Soriano, Wenneth Eulalio, Analyn Joy Benito, Faye Guevara, Michelle Datuin, Sandra delos Santos, Honey Royse Tubino, Rosemarioe Vargas, Lizlee Ann Gata-Pantone, Angela Benting, May Jennifer Macatuno, Jheck Dionela, Arianne Argarin, Chie Saet at Danika Gendrauli.
Noong 1983 unang suÂmali ang Pilipinas sa AVC pero ito lamang ang ikawalong pagkakataon na lalaban ang Nationals lalo pa’t tumamlay ang volleyball sa bansa.
Nagpasalamat din ang koponan sa pagpasok ng PLDT Home na isa sa mga kumpanyang pag-aari ni businessman/sportsman Manny V. Pangilinan sa pagsuporta sa kanila.
- Latest