Pinagmulta pa ng tig-P60k: Pingris, nabong suspendido
MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, mabibigat na parusa ang ipinataw ni PBA Commissioner Chito Salud kina Marc Pingris at Joe Devance ng San Mig Cofee at rookie Kelly Nabong at Marvin Hayes ng Globalport mula sa kanilang rambulan noong Miyerkules.
Sina Pingris at Nabong ay pinatawan ng two-game suspension kasama ang multang P60,000 matapos ang kanilang suntukan sa 8:11 ng third period sa 102-88 panalo ng Mixers kontra sa Batang Pier sa elimination round ng 2013 PBA Governor’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Isang one-game suspension at multang P30,000 ang ipinalasap kay Devance dahil sa pagsisimula nito ng rambulan matapos isalya si Hayes, samantalang P20,000 fine ang para kay Hayes mula sa paniniko at panunuhod sa ulo ni San Mig Coffee import Marqus Blakely matapos silang matumba sa sahig.
Sinabi ni Salud na hindi niya kukunsintihin ang nasabing mga gulo sa liga.
“Fighting will not be condoned by the league. There is absolutely no justification for our players to get involved in fistfights,†wika ni Salud.
“Strong emphasis is being placed on this policy so much so that those who dare to trigÂger fights will be dealt with accordingly.â€
Sa isang rebound play ay kinalawit ni Blakely si Hayes pabagsak sa sahig kasunod ang pagbundol kay Hayes ni Devance.
Nang makita ito ng 6-foot-7 na si Nabong ay isinalya naman niya sina Blakely at Devance kasunod ang pagsugod ni Pingris at pagsuntok kay Nabong.
Nagbabala si Salud na mabigat na parusa rin ang ipapataw niya sa mga players na masasangkot sa rambulan.
“With this, it should be clear to everyone that instigators, hotheads and troublemakers have no place in the PBA and will be dealt with severely,†ani Salud.
- Latest