MANILA, Philippines - Isang kilalang Fil-Am player na naglaro sa ASEAN Basketball LeaÂgue (ABL) at dalawang anak ng mga dating PBA plaÂyers ang mga nagpatala sa kauna-unahang PBA D-League Rookie Draft na gagawin sa Setyembre 19.
Si Chris Banchero na naglaro sa San Miguel Beermen at hinirang bilang Finals MVP sa nakaraang season matapos tulungang gabayan ang koponan sa titulo ang siyang inaasaÂhang magiging top pick na hawak ng Cafe France.
Ang anak ng dating PBA superstar na si Nelson Asaytono na si Jerrold Nielsen Asaytono ay nasama na rin bukod sa anak ni Patrick Fran na si Vince Anthony Fran.
Sampung pangalan ang nasa talaan at ang mga kukumpleto rito ay sina Fil-Australian Hibelito Timothy, Mark Anthony Lopez ng Jose Rizal University, Kenneth Agustin ng PSBA, Rodan Reducto ng Arellano, Marlon Angeles ng TUP at mga Fil-Ams na sina Alexander Austria at Medel Bencito.
Sunod na pipili matapos ang Cafe France ay ang Cebuana Lhuillier, Boracay Rum, Big Chill, Blackwater Sports at NLEX. Ang mga koponang ito tulad ng BaÂkers ay founding members ng liga. Ang Cagayan Valley, Hog’s Breath at Jumbo Plastic ay pipili sa sunod na tatlong puwesto.
Kung may mga bagong koponan na sasali, ang kanilang drafting order ay malalaman sa pamamagitan ng lottery.
Si Banchero ay naghatid ng 16.44 puntos, 4.19 assists at 2.75 rebounds para sa Beermen sa ABL.
Habang ang Cafe France ang kukuha sa kanÂÂya, si Banchero ay nag-eensayo na sa Blackwater Sports at inaasahang may gagawing usapan ang Bakers at Elite management para mapunta sa kaÂnila ang mahusay na pointguard.
Ang 2014 D-League Season ay magsisimula sa Oktubre 24 sa Ynares Sports Arena. (AT)