Laro Bukas
(Mall of Asia Arena,Pasay City)
2 p.m. UST vs UP
4 p.m. Adamson vs FEU
MANILA, Philippines - Bagamat nalasap ang kanilang ikatlong sunod na kamalasan sa second round, naniniwala pa rin si University of the East head coach Boysie Zamar na makakapasok sila sa Final Four ng 76th UAAP men’s basketball tournament.
Kabi-kabilang suspensyon ang ipinataw ng UAAP kina import Charles Mammie, Lord Casajeros at Ralf Olivares dahil sa kanilang mga unsportsmanlike fouls.
Isisilbi pa sana ng 6-foot-7 na si Mammie ang ikalawa sa kanyang two-game suspension noong Miyerkules, ngunit pinayagan siyang maÂkalaro ng UAAP bago ang laban ng UE kontra sa De La Salle University.
Sa kabila nito, natalo pa rin ang Red Warriors sa Green Archers sa overtime, 65-75.
May 5-6 kartada ang UE sa ilalim ng NU (9-3), La Salle (8-4), FEU (8-4), five-time champions Ateneo (6-5) at UST (6-5) kasunod ang Adamson (4-8) at UP (0-11).
Para makatiyak ng playoff sa ikaapat at huling silya sa Final Four, kailangang walisin ng Red Warriors ang kanilang huling tatlong laro at ang una ay kontra sa Eagles sa Setyembre 8.