No pain

Naiulat  noong mga nakalipas na araw na na-sprain daw si Manny Pacquiao habang naglalaro ng basketball kasama ang kanyang mga kaibigan.

Hindi ako nagulat sa balita dahil sa hilig ni Pacquiao maglaro ng basketball ay may tsansa talaga siyang ma­­saktan, ma-sprain o kaya ay mapilayan.

Mas natakot ako dahil kung matindi ang pagkaka-sprain niya ay puwede itong makaapekto sa kanyang training para sa nalalapit na laban kay Brandon Rios.

Mahirap sa isang boksingero ang magkaroon ng injury sa paa dahil bagamat suntukan ang labanan ay kailangan nito ang footwork sa loob ng ring.

Dati na rin naiulat na may nararamdaman si Pacquiao sa kanyang paa. Sa laban yata kay Antonio Mar­garito kung di ako nagkakamali siya ay pinulikat sa gitna ng laban.

Pero kasing bilis ng balita na siya ay na-sprain ay ganun din ang kanyang pagpapatunay na no epek ang nasabing injury dahil dalawang araw lang ang lumipas ay nagpakita siya sa gym.

Nag-ensayo ng dalawang oras si Pacquiao sa kanyang boxing gym sa Sampaloc sa Maynila.

Ayon sa mga nakasaksi, ni  hindi nagpakita si Pacquiao ng bakas ng sprain. Gaya ng dati, nagpasiklab siya sa training na napanood ng ilan-ilan lang na tao.

“Wala na,” ang sabi ni Pacquiao nang tanungin siya ni Emil Romano, isang ex-boxer na trainer na rin ngayon, kung nananakit pa ang paa niya.

Alaxan FR lang ang katapat!

 

Show comments