NEW YORK – Pinatalsik ni Spanish 19th seed Tommy Robredo si 17-time Grand Slam champion Roger Federer, 7-6 (7/3), 6-3, 6-4, sa fourth round ng US Open.
Ang kabiguan ni FedeÂrer ang nagbasura sa potensyal sana nilang quarterfinal match ni 12-time Grand Slam winner Rafael Nadal.
Dahil dito, si Robredo, maglalaro sa kanyang unang US Open quarterfinal match, ang haharap sa World No. 2 na si Nadal na umiskor ng 6-7 (4/7), 6-4, 6-3, 6-1 panalo kontra kay German 22nd seed Philipp Kohlschreiber.
Hangad ni Nadal, ang 2010 champion sa New York, ang kanyang pang 13th Grand Slam title.
Humataw siya ng 48 winners at itinaas ang kanyang 57-3 record.
Dalawang panalo laÂmang ang nakuha ni FeÂdeÂrer sa 16 break-point chances.
“That was not a very good close,†sabi ni FedeÂrer. “It just ended up being a bad combination of many things.â€
Umabante si Federer sa 36 sunod na Grand Slam quarter-final appeaÂrances bago nasibak ni Ukrainian Sergiy Stakhovsky sa second round sa Wimbledon.
Ito ang unang pagkakataon na hindi nakapasok sa quarterfinals sa Grand Slam tournament matapos noong 2003 Australian at French Opens.