^

PSN Palaro

Robredo pinatalsik si Federer sa US Open

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK – Pinatalsik ni Spanish 19th seed Tommy Robredo si 17-time Grand Slam champion Roger Federer, 7-6 (7/3), 6-3, 6-4, sa fourth round ng US Open.

Ang kabiguan ni Fede­rer ang nagbasura sa potensyal sana nilang quarterfinal match ni 12-time Grand Slam winner Rafael Nadal.

Dahil dito, si Robredo, maglalaro sa kanyang unang US Open quarterfinal match, ang haharap sa World  No. 2  na si Nadal na umiskor ng 6-7 (4/7), 6-4, 6-3, 6-1 panalo kontra kay German 22nd seed Philipp Kohlschreiber.

Hangad ni Nadal, ang 2010 champion sa New York, ang kanyang pang 13th Grand Slam title.

Humataw siya ng 48 winners at itinaas ang kanyang 57-3 record.

Dalawang panalo la­mang ang nakuha ni Fe­de­rer sa 16 break-point chances.

“That was not a very good close,” sabi ni Fede­rer. “It just ended up being a bad combination of many things.”

Umabante si Federer sa 36 sunod na Grand Slam quarter-final appea­rances bago nasibak ni Ukrainian Sergiy Stakhovsky sa second round sa Wimbledon.

Ito ang unang pagkakataon na hindi nakapasok sa quarterfinals sa Grand Slam tournament matapos noong 2003 Australian at French Opens.

FEDE

FRENCH OPENS

GRAND SLAM

NADAL

NEW YORK

PHILIPP KOHLSCHREIBER

RAFAEL NADAL

ROGER FEDERER

TOMMY ROBREDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with