MANILA, Philippines - May tsansa pa ang higit sa 100 atleta na makasama sa Philippine delegation na ilalahok para sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.
Ang naturang mga atÂleta ay maaaring maidagÂdag sa naunang 152 atleta mula sa 26 sports.
Posibleng ito na ang maÂgiging pinakamaliit na deÂlegasyong ipapadala ng bansa sa nakaraang mga edisyon ng SEA Games.
Naghahangad ng tiket paÂra sa Myanmar SEA Games ang mga atleta ng shooting, Muay thai, judo, wushu, women’s basketball at men’s football.
Ang mga nakatiyak na ng tiket sa Myanmar ay ang mga atleta ng athletics (20), women’s football (20), taekwondo (16), men’s basÂketball (12), boxing (10), cyÂcling (9), karatedo (8), golf (7), aquatics (5), roÂwing (5), sailing (4), chess (4), archery (4), billiards (3), equestrian (3), Muay thai (3), sepak takraw (3), badminton (2), table tennis (2), pencak silat (2), shooting (2), canoeing (2), weightlifÂting (2), wrestling (2), judo (1) at windsurfing (1).