NEW YORK - Posibleng magtagpo sa quarterfinal round sina Roger Federer at Rafael Nadal sa matapos taÂlunin ang kanilang mga kalaban sa U.S. Open.
Hindi pa naglalaban ang dalawang magkaribal sa piÂnakahuling grand slam ngayong taon.
Umiskor si Federer ng isang 6-3, 6-0, 6-2 panalo laban kay Frenchman Adrian Mannarino at nakatutok na sa poÂsible nilang pagtatagpo ni Nadal.
Binigo ni Nadal si Ivan Dodig ng Croatia, 6-4, 6-3, 6-3.
Umabante din sa quarterfinals si French Open runner-up David Ferrer matapos igupo si Mikhail Kukushkin, 6-4, 6-3, 4-6, 6-4.
Sa women’s division, napatalsik sina dating world No. 1 Caroline Wozniacki at 2011 Wimbledon champion Petra Kvitova.
Giniba ni Camila Giorg si Wozniacki, 4-6, 6-4, 6-3, at ginÂitla ni Flavia Pennetta si dating U.S. Open champion Svetlana Kuznetsova 7-5, 6-1.