UST tinakasan ang FEU via double overtime win; La Salle wagi sa Ateneo

Inangatan ni Jeron Teng (2) ng La Salle sina Chris Newsome (11) at Ryan Buenafe (13) ng Ateneo. (Kuha ni Joey Mendoza)

MANILA, Philippines - Isang drive ni Jeron Teng sa natitirang 1.9 segundo ang nagtakas sa De La Salle University kontra five-time champions Ate­neo De Manila University, 66-64, sa second round ng 76th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tinapos ng Green Archers ang five-game winning streak ng Blue Eagles para masolo ang ikatlong puwesto.

Nauna nang itinabla ni Kiefer Ravena ang Ateneo sa 64-64 sa huling 14 segundo kasunod ang basket ni Teng para sa panalo ng La Salle.

Sa unang laro, tinalo ng Uni­versity of Sto. Tomas ang Far Eastern University via double overtime, 79-78, matapos bumangon mula sa isang 12-point deficit.

Iniwanan ng Tamaraws ang España-based cagers sa 37-25 sa third period bago naagaw ang unahan sa 43-42 sa huling 53 segundo nito.

Nagsalpak si Aljon Ma­­riano ng isang tres sa na­titirang 4.9 segundo para itabla ang laro sa 62-62 patungo sa unang overtime.

Show comments