Loyzaga nanindigan sa kanyang desisyon kina Mammie at Casajeros
MANILA, Philippines - Makatuwiran ang pagÂpataw ng two-game suspension kina Charles Mammie at Lord Casajeros ng UE.
Ito ang binigyan-diin kahapon ni UAAP Commissioner Chito Loyzaga matapos isagawa ang pulong pambalitaan sa Smart Araneta Coliseum na kung saan ipinaliwanag ng opisÂyal ang mga pangyayari na nagresulta para magkaroon na ng tig-tatlong unsportsmanlike fouls ang dalawang Warriors plaÂyers na magreresulta sa awtomatikong two-game suspension.
Sa review ng tape sa laro ng UE at FEU noong Linggo na napanalunan ng Tamaraws sa double-overtime, nakita ni Loyzaga ang pananakit ni Mammie na hindi nakita ng mga reÂferees nang sadyang ipinailalim ng 6’8 Red Warriors center ang kanyang paa sa babagsakan ng paa ni Romeo matapos magpakawala ng 3-pointer.
Kasama sa pagsusuri sa tape ang anggulong gaÂling sa tatlong bagong caÂmeras na hiningi ni LoyÂzaga sa UAAP upang isuporta sa mga cameras na gamit sa telebisyon, at dahil gustong manakit ni Mammie kaya’t pinatawan ni Loyzaga ito unsportsmanlike foul upang isama sa naunang dalawang naitawag na.
Sa kaso ni Casajeros, natawagan siya ng ikalawang USF sa laro pero ang isa ay hindi rin nakita ng mga referee nang suntukin umano niya si Romeo sa isang play.
Wala namang kaparusahan ang mga referees na hindi nakakita ng mga infractions na ito ngunit sinabon sila ni Loyzaga.
Puwede namang umapela ang UE sa nakatataas kay Loyzaga at handa umanong tanggapin ng Commissioner sakaling baligtarin o pababain ang kanyang ipinataw na desisÂyon.
- Latest