Laro Bukas
(Smart Araneta Coliseum)
5:15 p.m. Meralco vs Talk ‘N Text
7:30 p.m. Barako Bull
vs Barangay GInebra
MANILA, Philippines - Nagtayo ng isang 27-point lead sa third period, hindi na nilingon pa ng Boosters ang Express patungo sa kanilang ikalawang sunod na panalo
Inilampaso ng Petron Blaze ang Air21 sa bisa ng 112-86 panalo at kunin ang liderato sa elimination round ng 2013 PBA Governor’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Umiskor si import Elijah Millsap ng game-high 27 points para sa Boosters, habang nagdagdag si rookie center June Mar Fajardo ng 17 kasunod ang tig-13 nina Marcio Lassiter at Alex Cabagnot at 12 ni Arwind Santos.
Inangkin ng Petron ang liderato mula sa kanilang 3-1 kartada kasunod ang nagdedepensang Rain or Shine (2-1), Barako Bull (2-1), Globalport (2-1), Talk ‘N Text (1-1), Barangay Ginebra (1-1), Meralco (1-2), San Mig Coffee (1-2), Air21 (1-3) at Alaska (0-1).
“We’re very happy about this win. It means we have a chance in the upper bracket,†wika ni rookie head coach Gee Abanilla. “In this conference every win matters.â€
Nanggaling ang Boosters sa 99-84 paggiba sa Elasto Painters noong nakaraang Linggo.
Mula sa maliit na 24-22 bentahe sa first period ay ikinasa ng Petron ang isang 12-point lead, 40-28, sa second quarter sa likod nina Millsap, Cabagnot at Chico Lanete.
Ibinaon ng Boosters ang Express buhat sa isang 27-point advantage, 75-48, sa 3:23 ng third period galing sa technical free throws ni rookie center June Mar Fajardo.
Makaraang isara ang naturang yugto, 82-60, isang maikling 9-0 atake ang ginawa nina Lassiter, Santos at Lutz para muling ilayo ang Petron sa 89-60 sa 10:19 ng final canto.
At mula dito ay hindi na nakalapit ang Air21.
Pinangunahan ni balik-import Zach Graham ang Express mula sa kanyang 19 markers kasunod ang 16 ni Niño Canaleta at 10 ni Bitoy Omolon.
Petron 112 - Millsap 27, Fajardo 17, Lassiter 13, Cabagnot 13, Santos 12, Lutz 10, Yeo 9, Lanete 8, Miranda 3, Deutchman 0, Kramer 0, Tubid 0.
Air21 86 - Graham 19, Canaleta 16, Omolon 10, Cortez 8, Manuel 6, Custodio 6, Sharma 6, Arboleda 5, Ritualo 4, Atkins 2, Sena 2, Isip 2, Menor 0.
Quarters: 24-22; 49-38; 82-60; 112-86.