Eagles nilamon ang Tamaraws
Laro sa Sabado
(Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. Adamson vs UP
4 p.m. NU vs UE
MANILA, Philippines - Nagkatotoo ang paÂngamba ni FEU coach Nash Racela nang walang sigla na humarap ang kanyang bataan sa inspiradong Ateneo para kunin ng huli ang 93-72 panalo sa 76th UAAP men’s basketball kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Lumayo agad ang Eagles sa 26-11 sa unang yugto at napanatili ang intensidad hanggang sa ikatlong yugto na kung saan itinala ng 5-time defending champion ang pinakamaÂlaking kalamangan sa laro na 33 puntos, 73-40, bago ipinasok ni coach Bo Perasol ang mga pamalit upang matapyasan ng Tamaraws ang kalamangan.
Ito ang ikalimang sunod na panalo ng Ateneo at kasalo ngayon sa ikaapat na puwesto ang karibal na La Salle sa 6-4 baraha
“The significance of this win is that we were able to go now into the top four in the sense that we are tied with La Salle,†wika ni Eagles coach Bo Perasol na nag-coach kahit nagpapagaling pa mula sa minor surgery na kung saan ipinatanggal niya ang mga kidney stones.
May 20 puntos si Juami Tiongson, kasama ang four-of-five shooting sa three point line, at tig-walo ang kanyang ginawa sa ikalawa at ikatlong yugto para maipagpatuloy ang init ng paglalaro na unang ibinigay ni Kiefer Ravena.
May anim sa kanyang 18 puntos si Ravena sa unang yugto at tumapos pa siya taglay ang 9 rebounds at 5 assists habang si Christ Newsome ay double-double na 11 puntos at 14 board.
Anino lamang ng kopoÂnang nasilayan noong talunin ang UE sa double overtime ang Tamaraws matapos ang malamyang ipinakita sa unang tatlong quarters na kung saan umiskor lamang sila ng 45 puntos.
Matapos gumawa ng career-high na 30 puntos sa huling laban, si Terrence Romeo ay tumapos sa 19 puntos ngunit sa masamang 7-of-24 shooting.
Ito ang ikatlong pagkatalo sa 11 laro ng Tamaraws at pangatlo nila ito sa apat na laro sa second round.
Nilapa ng University of Santo Tomas ang AdamÂson, 80-67, para waÂkasan ang apat na sunod na pagÂkatalo at mabalik sa kontensyon para sa semis sa kinuhang 5-5 baraha sa ikalawang laro.
Ateneo 92-- Tiongson 20, Ravena 18, Newsome 11, Tolentino 9, Golla 9, Buenafe 9, Pessumal 5, Elorde 5, Capacio 4, Erram 2, Murphy 0, Enriquez 0, Asuncion 0.
FEU 73--Romeo 19, Garcia 11, Tolomia 9, Pogoy 9, Hargrove 6, Belo 6, Jose 5, Inigo 3, Cruz 3, Lee Yu 2.
Quarterscores: 26-11; 51-28; 73-45; 92-73.
UST 80--Abdul 19, Daquioag 17, Mariano 16, Lo 8, Ferrer 8, Bautista 6, Sheriff 4, Hainga 2, Pe 0.
Adamson 67--Brondial 15, Cruz 13, Trollano 12, Rios 12, Sewa 6, Cabrera 5, Monteclaro 2, Inigo 2, Petilos 0, Julkipli 0, Abrigo 0.
Quarterscores: 15-18; 31-30; 51-47; 80-67.
- Latest