MANILA, Philippines - Hindi marahil makalimutan ni Raymond Almazan ang pait ng kabiguang inabot ng Letran sa San Beda sa finals sa NCAA noong nakaraang taon.
Kaya sa unang tapatan ng Knights at Lions sa 89th NCAA men’s basketball noong Sabado ng gabi, ipinamalas ng 6’7 center ang bangis ng paglalaro para igiya ang koponan sa 74-67 tagumpay.
May 22 puntos, 11 reÂbounds at 3 blocks si Almazan para panatilihin ang tropa ni coach Caloy Garcia sa itaas ng team standings sa 8-1 baraha.
Ang mahusay na ipinaÂkita ay nagkaroon pa ng dagdag na pabuya mula sa NCAA Press Corps na ginawaran ang pambatong sentro ng Knights ng ACCEL/3XVI Player of the Week na suportado rin ng Gatorade.
“Gustung-gusto ko talaÂgang bumawi matapos ang nangyari sa amin last year,†wika ni Almazan na ang tinutukoy ay ang 1-2 pagkatalo sa best-of-three finals sa Red Lions.
Kahit si Garcia ay naÂtuwa sa ipinakita hindi lamang ni Almazan kundi ng lahat ng ginamit niyang players para makabangon agad mula sa 66-80 unang pagkatalo sa kamay ng Perpetual Help.
“Sinabi ko sa kanila na ito ang tamang pagkaÂkataon para bumawi sa pagkatalo namin dahil ang San Beda ang best team sa league. Ipinakita lamang ng mga players na may character sila,†wika ni Garcia.
Matapos ang first round, si Almazan ay nagÂhahatid ng 14.1 puntos, 15.3 rebounds at 2.2 blocks kada laban upang magiÂging palaban pa rin ang Knights sa taong ito.
Ito rin ang ikalawang POW ni Almazan sa taon matapos ibigay sa kanya ang award sa unang linggo ng pinakamatandang collegiate league sa bansa.
Nakaribal ni Almazan para sa citation na ito ang mga kamador ng Perpetual Help na sina Juneric Baloria at Nosa Omorogbe na siyang nagbida nang talunin ng Altas ang host College of St. Benilde sa overtime (90-89) noong Lunes para makasalo ang San Beda sa ikalawang puwesto sa 7-2 karta.