^

PSN Palaro

Pacquiao na-injured sa basketball

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pa man nagsisi­mula ang kanilang training camp ni chief trainer Freddie Roach ay nagkaroon na kaagad ng injury si Manny Pacquiao.

Nagkaroon ng sprained ankle injury ang Filipino world eight-division champion habang naglalaro ng basketball noong Sabado.

“Hindi kasi ako naka-suot ng ankle support,” sabi ni  Pacquiao sa panayam ng ABS-CBN News.

Ayon sa Sarangani Congressman, hindi naman malala ang naturang injury kaya siya nakadalo sa isang okasyon sa Crown Plaza sa Ortigas kamakalawa.

Nauna nang pinangam­bahan ni Roach ang pagkakaroon ng ankle injuiry ni Pacquiao sa tuwing magla­laro ito ng basketball bago simulan ang kanilang trai­ning camp.

Maliban sa paglalaro ng basketball, sinimulan na rin ni Pacquiao ang pagtakbo tuwing umaga para pa­la­kasin ang kanyang resis­tensya.

Dalawang Chinese at isang Briton ang ilan sa mga magiging sparring partners ni Pacquiao sa kanyang training camp sa General Santos City bilang paghahanda kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios.

Ang mga ito ay sina flyweight Zou Shiming (1-0-0) at lightweight Yang Lian Hui (13-0-0, 9 KOs) ng China at light middleweight Liam Vaughan (8-1-0, 2 KOs) ng Great Britain.

Isang buwan ang magiging training camp ni Pacquiao sa GenSan at ang matitirang dalawang linggo ay gagawin nila ni Roach sa Macau, China.

Maghaharap sina Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) at Rios (31-1-1,

23 KOs) sa isang non-title, welterweight fight sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China.

BAM BAM

CROWN PLAZA

DALAWANG CHINESE

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

GREAT BRITAIN

LIAM VAUGHAN

MACAU

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with