Net Spikers pakay ang QF Playoff vs Rising Suns
Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
2 p.m. Cagayan vs Smart
4 p.m. Meralco vs FEU
MANILA, Philippines - Hanggang kailan kakaÂyanin ng pitong manlalaro ng Smart na balikatin ang nasabing koponan?
Magkakaroon ng sagot sa katanungang ito sa pagharap ng Net Spikers sa malakas na Cagayan Province sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League SeaÂson 10 Open Conference ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.
Bagamat pito lamang ang manlalaro, hindi naman ito dahilan para hindi makapagdomina ang tropa ni coach Roger Gorayeb sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s dahil sila ang nangunguna sa 8-team tourney sa 3-0 baraha.
Kung lumawig pa ang winning streak, ookupahan na ng Smart ang playoff para sa quarterfinals.
Sina Sue Roces, Maru Banaticla, Charo Soriano, Ruby de Leon, Gretchel SolÂtones, Jem Ferrer at Mica Guliman ang mga nagÂtutulungan para manalo ang koponan.
Sa huling laro kontra Meralco, lumasap ng unang set-loss ang Smart pero hindi ito dahilan upang tumiklop sila bagkus ay naging mabangis sa sunod na tatlong sets tungo sa 22-25, 25-20, 25-17, 27-25, panalo sa Meralco.
Nakita sa bench sa nagdaang laro sina Alyssa Valdez at Dindin Santiago pero ayon kay Gorayeb ay hindi pa niya magagamit ang dalawa upang sumandal pa rin sa pitong inaasahan sa pagsukat sa Rising Suns na galing sa 25-22, 17-25, 25-14, 25-19, panalo sa Philippine Air Force.
Ang mga Thai imports na sina Kannika Thipacho at Phomia Soraya ang babandera sa koponan na aasa rin sa tikas nina Aiza Maizo, Angeli Tabaquero at Joy Benito upang maisulong ang 1-0 baraha.
Magsisikap namang bumangon mula sa paglasap ng unang pagkatalo ang Meralco sa pagharap sa FEU sa ikalawang laro sa alas-4 sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.
- Latest