MANILA, Philippines - Nagbabalak ang kampo ni Senador Pia Cayetano na ituloy ang laban kontra sa UAAP patungkol sa bagong residency rule na kilala rin sa taguring ‘Pingoy rule.’
Sa lumabas na ulat sa Spin.ph, sinabi nitong handang kuwestiyunin hanggang korte ang legalidad ng bagong residency rule na nagsasaad na ang isang manlalaro mula sa UAAP school na gustong lumipat ng paaralan ay dapat na sumailalim sa two-year residency.
Si Jerie Pingoy ang isa sa naapektuhan ng ruling na ito dahil ang pambatong guard ng FEU junior team ay hindi nakapaglaro sa taong ito dahil lumipat siya ng Ateneo.
Nagsagawa pa ng heaÂring si Cayetano at sinabing hindi makatarungan ito dahil labag ito sa karapatan ng isang tao na mamili para sa ikagaganda ng kanyang kinabukasan.
Gumawa naman ng hakÂbang ang UAAP board at isiningit na hindi na maÂngangailangan ng two-year residency kung kusang bibitiwan ng mother school ang manlalarong nais na lumipat ng ibang paaralan.
Noon pang Abril naisaÂgawa ang pagdinig at ang Season 76th ay nasa seÂcond round na ngayon.
Matatandaan na dumulog sa korte ang mga magulang ni UP Integrated School player Jozhua General para pigilan ang pagbabawal sa kanya ng liga na makapagÂlaro dahil sa magkaibang pananaw patungkol sa taon ng kanyang graduation sa elementary school.