^

PSN Palaro

Altas makikisalo sa 2nd vs Blazers

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagkatalong nalasap ng San Beda sa Letran sa huling laro ang magbibigay-daan sa Perpetual Help na makasalo uli sa ikalawang puwesto sa pagtatapos ng kanilang mga asignatura sa unang ikutan sa 89th NCAA men’s basketball na magdaraos ng aksyon ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Nakaumang sa Altas ang ikapitong panalo sa siyam na laro sa pagharap sa bumabangong host College of St. Benilde na kanilang katagisan dakong alas-6 ng gabi.

Ang Knights ang lumabas bilang number one team matapos ang first round sa 8-1 karta matapos kunin ang 74-67 panalo sa Lions noong Sabado ng gabi.

Solo sa ikalawang puwesto ang Lions sa 7-2 karta ngunit hindi malayong may makasalo sila matapos ang larong ito.

Balak naman ng San Sebastian na pahigpitin pa ang  labanan sa unang apat na puwesto sa pag-asinta ng panalo sa Lyceum sa alas-4 ng hapon.

May 4-4 baraha ang Stags ngunit kung mana­nalo sila sa Pirates (2-6) ay tatablahan nila ang pahi­ngang Jose Rizal University sa ikaapat na puwesto sa 5-4 baraha.

Nabuksan ang pagka­kataon na umangat sa ika­apat na puwesto ang Stags nang lumasap ng 64-67 pagkatalo ang JRU sa Arellano sa huling laro.

Galing ang  Altas mula sa 80-66 panalo sa Knights para wakasan ang naunang pitong sunod na panalo nito.

Pero ang larong ito ay nangyari noon pang Agosto 15 at nananalig si Altas coach Aric del Rosario na maaaring hindi maapek­tuhan ang magandang ipinakikita ng kanyang mga alipores ng mahabang pa­hinga lalo pa’t ang Blazers sy may tatlong sunod na panalo upang maisantabi ang 0-5 start.

 

AGOSTO

ALTAS

ANG KNIGHTS

COLLEGE OF ST. BENILDE

JOSE RIZAL UNIVERSITY

PERPETUAL HELP

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with