^

PSN Palaro

NSAs dapat magpalakas ng youth development program--Padilla

Pilipino Star Ngayon

HONG KONG -- Ang katatapos na 2nd Asian Youth Games ay dapat magsilbing paalala sa mga National Sports Associations (NSAs) kaugnay sa pagkakaroon ng isang matibay na youth development program.

“If we want to excel in competitions like this we must strengthen our youth program,” wika ni Nathaniel “Tac” Padilla, ang chef-de-mission ng Philippine contingent sa Nanjing.

“We must focus on our young athletes,” dagdag pa nito.

Humakot ang bansa ng dalawang gold at tatlong silver medals sa 10-day competition na nilahukan ng kabuuang 45 bansa.

Sinabi ni Padilla, nagdomina sa rapid air pistol event sa Southeast Asian Games, na nakakuha sila ng mahu­husay na atletang may edad 14 hanggang 17-anyos mula sa 13 sports disciplines paras a 2nd  AYG.

Nakakuha ang mga atleta ng medalya buhat sa golf, taekwondo at tennis at may potensyal na manalo sa athletics, badminton, 3-on-3 basketball, fencing, judo, rugby, shooting, swimming, table tennis at weightlifting.

 Ang mga nanalo ng gold ay sina Mia Legaspi at Pauline Louise Lopez at ang silver ay iniambag nina Princess Superal, Francis Aaron Agojo at Jurence Mendoza.

 Ang  2 gold at 3 silver medals ng mga Filipino athletes sa Nanjing ang dumaig sa one-silver, one-bronze effort ng bansa sa 1st AYG sa Singapore noong 2009.

“There should be continuity. Once you identify the talents you must to push through with their development,” sabi ni Padilla, isang five-time gold medalist sa SEA Games.

 Alam ni Padilla ang maging isang youth athlete dahil sa edad na 12-anyos ay nanalo siya ng gold medal sa 1976 World Junior Shooting Championships sa Mexico.

vuukle comment

ASIAN YOUTH GAMES

FRANCIS AARON AGOJO

JURENCE MENDOZA

MIA LEGASPI

NANJING

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PADILLA

PAULINE LOUISE LOPEZ

PRINCESS SUPERAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with