MANILA, Philippines - Kinailangan ng Far EasÂtern University ng dalawang overtime para mapasuko ang palabang University of the East, 98-94, sa 76th UAAP men’s basketball tourÂnament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Isinantabi ni Terrence RoÂmeo ang sprained ankle nang maghatid siya ng 30 points, 7 rebounds, 4 assists at 3 steals.
Gumawa siya ng tres paÂra bigyan ang Tamaraws ng 95-91 kalamangan bago si Anthony Hargrove ang nagÂpreserba sa panalo sa kiÂnamadang tatlong puntos.
Nagbida siÂna Gryann MenÂdoza at MiÂke Tolomia ang kanyang produksyon sa ginawang 15 at 13 puntos.
Kontrolado ng tropa ni coach Nash Racela ang laÂro at hawak ang 65-48 kalamangan sa huling walong minuto sa regulation nang naÂsaktan si Romeo matapos ang banggaan nila ni Charles Mammie.
Inilabas siya at ito ang break na kinailangan ng Red Warriors at si Roi SuÂmang ay gumawa ng 12 puntos sa yugto para maÂgÂÂtabla sa 70-all.
Lumamang pa ang UE sa unang overtime, 85-82, sa split ni Sumang pero nakakawala ng tres si Tolomia para sa panibagong limang minutong tunggalian.
Tinalo naman ng Ateneo ang Adamson, 79-66, sa unang laro. (ATan)
ADMU 79 - Ravena 18, BueÂnafe 18, Newsome 9, Elorde 9, Tiongson 7, Pessumal 6, Golla 6, Erram 2, Enriquez 2, Capacio 2, Tolentino 0, Lim 0.
AdU 66 - Sewa 17, Rios 14, Cruz 14, Brondial 14, Cabrera 3, Inigo 2, Agustin 2, Trollano 0, Petilos 0, Monteclaro 0, Julkipli 0, Abrigo 0.
Quarterscores: 19-13; 33-26; 57-32; 79-66.
FEU 98 - Romeo 30, MenÂdoza 15, Tolomia 13, Hargrove 12, Cruz 9, Iñigo 6, Belo 6, Pogoy 5, Sentcheu 2, Lee Yu o, Delfinado 0, Aguilon 0.
UE 94 - Sumang 25, OliÂvares 21, Mammie 17, Noble 11, Santos 6, JuÂmao-as 5, Casajeros 4, Galanza 3, Javier 2, OlaÂyon 0, Sumido 0, Hernandez 0, Guion 0, Flores 0, Alverto 0.
Quarterscores: 25-13, 42-31; 59-46; 70-70; 85-85, 98-94 (2OT).