Singletary bumandera sa panalo diretsong dos sa Barako
MANILA, Philippines - Matapos matalo sa kaÂniÂlang unang laro, sumasakay ngaÂyon ang Energy sa isang two-game winning roll.
Tinalo ng Barako Bull ang Air21, 103-94, tampok ang game-high 41 points ni import Michael Singletary, sa elimination round ng 2013 PBA Governor’s Cup kaÂhapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nauna nang natalo ang Energy sa Talk ‘N Text sa overÂtime, 113-118, noong AgosÂto 16 bago takasan ang Meralco, 90-89, noong Agosto 18.
Nagdagdag naman sina Danny Seigle at Ronjay BuenÂafe ng tig-18 markers kaÂsunod ang 12 ni pointguard Eman Monfort.
May 2-1 record ngayon ang Barako Bull katabla ang nagdedepensang Rain or Shine (2-1), Globalport (2-1) at Petron Blaze (2-1) kasunod ang Talk ‘N Text (1-0), Barangay Ginebra (1-1), Air21 (1-2), Meralco (1-2), Alaska (0-1) at San Mig Coffee (0-2).
Kasalukuyan pang nagÂlalaban ang Tropang Texters at ang Mixers habang isinusulat ito.
“It’s a big win for us,†saÂbi ni Serbian coach RajÂko Toroman sa kanyang Energy. “We played good basketball in the first half but the game is not over. Air21 has a lot of offensive skills. It’s really hard to stop (Zach) Graham.â€
Tumapos si Graham na may 34 points para sa ExÂpress kasunod ang tig-12 nina Niño Canaleta at Carlo Sharma at 10 ni Mike Cortez.
Matapos kunin ang 29-23 bentahe sa first period ay nag-init ang opensa ng Energy para angkinin ang malaking 65-47 kalamaÂngan sa halftime.
Mula sa 83-71 bentahe ng Barako Bull sa third period ay nakalapit ang Air21 sa 92-94 agwat sa huling apat na minuto sa fourth quarter buÂhat sa isang three-point shot ni Canaleta.
Isang maikling 7-2 ratsada ang ginawa ng Energy, tampok dito ang isang tres ni Monfort sa huling 3:00 ng laro, para muling iwanan ang Express sa 101-93 sa natitirang 1:16 nito.
- Latest