CEU, St. Clare patuloy ang ratsada sa NAASCU

MANILA, Philippines - Napanatili ng Centro Es­colar University at ng St. Clare College of Caloocan ang kanilang winning streak sa 13th NAASCU men’s bas­ketball noong Bi­yernes sa Polytechnic Uni­versity of the Philippines gym sa Santa Mesa, Ma­nila.

Si 6-foot-5 Rodrigue Ebondo, isang exchange stu­dent mula Democratic Re­public of the Congo, ay tu­mipa ng 17 puntos mul­­a sa bench,  habang si Alfred Ryan Batino ay nag­­hatid ng 13 para sa Scorpions na gumamit ng 11-0 start upang angkinin ang 64-54 panalo kontra sa New Era University.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Scor­pions para manatiling nag­so­solo sa liderato.

Okupado pa rin ng Saints ang ikalawang puwesto matapos ang 90-68 paggapi sa Our Lady of Fatima University.

Sina Dennis Santos, Jayson Ibay at Bong Mana­guelod ang nagsanib sa 14-2 run sa ikatlong yugto para iwanan ang OLFU na huling nakadikit sa 31-29 sa halftime.

Si Santos ay tumapos bitbit ang 21 puntos at ang 11 rito ay kanyang ibinuhos sa ikatlong yugto, habang tig-16 ang inangkin nina Ibay at Managuelod at ang St. Clare ay may tatlong su­nod na panalo matapos ma­talo sa CEU.

Tinuhog naman ng Ri­zal Technological Universi­­ty ang City University of Pa­­say, 57-40, sa isa pang seniors game.

Tig-10 puntos ang ibi­nigay nina Jopet Quiro at Elias Manuel Sarona para iangat ang Blue Thunder sa 2-2 baraha.

Nanalo ang  nag­­­de­depensang CEU laban sa Our Lady of Fatima, 97-56, sa women’s division at nanaig ang RTU sa St. Clare, 85-60, habang dinaig ng CEU ang OLOF, 66-53, at ang St. Clare sa New Era, 75-48, sa juniors division.

 

Show comments