NANJINA, China -- WaÂla nang mahihingi pa si Chef-De-Mission Nathaniel ‘Tac’ Padilla sa ipinakita ng PhilipÂpine delegation sa 2nd Asian Youth Games.
Sinabi ni Padilla, isang daÂting youth athlete, na baÂgo pa lamang umalis ng MayÂnila ang mga Filipino athÂletes ay naniwala na siÂyang mananalo ang mga ito ng gold medal.
“I was confident we can win the gold here but our athletes did not only deliver one but two gold medals on top of three silver meÂdals,†sabi ng five-time SEA Games gold medalist sa 54-strong delegation.
Kumuha ng gintong meÂdalya sina Golfer Mia LeÂgaspi at taekwondo jin PauÂline Louise Lopez, habang pilak ang sinikwat niÂna Princess Superal sa golf, Francis Aaron Agojo sa taekwondo at Jurence MenÂdoza sa tennis.
Pormal na isinara kagabi ang 2nd AYG sa Nanjing Olympic Stadium.
Ayon kay Padilla, dapat nang paghandaan ng bansa ang 3rd AYG sa Sri Lanka sa 2017.
“If we start training now and start scouting athletes for the next AYG then we should have a better performance,†ani Padilla.
Tumapos ang bansa biÂlang No. 12 sa hanay ng 45 bansa sa medal stanÂdings na pinangunahan ng ChiÂna (46-23-24), South KoÂrea (25-13-14), Japan (7-5-6), Thailand (6-5-16) at Chinese-Taipei (6-11-13).