Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. Ateneo vs Adamson
4 p.m. FEU vs UE
MANILA, Philippines - Dumiretso ang NatioÂnal University sa kanilang ikaapat na sunod na ratsada nang igupo ang University of Sto. Tomas, 75-61, sa seÂcond round ng 76th UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Smart AraÂneta Coliseum.
Isang 18-2 bomba ang inihulog ng Bulldogs sa fourth quarter para ipalasap sa Tigers ang ikatlong dikit niÂtong kamalasan.
Patuloy na sinolo ng NU ang ikalawang puwesto muÂla sa kanilang 7-3 baraha sa ilalim ng Far Eastern UniÂÂversity (7-2) kasunod ang UniÂversity of the East (5-3), De La Salle University (6-4), five-time champions AteÂneo De Manila University (4-4), UST (4-5), Adamson UniÂverÂsity (3-6) at University of the Philippines (0-9).
Sa unang laro, tinalo ng Green Archers ang Maroons, 85-63, sa pamamagitan ng paglimita sa UP sa 7 points sa kabuuan ng final canto.
Kasabay ng kanilang maÂhigpit na depensa, nag-init din ang opensa ng La Salle mula sa isang 17-4 ataÂke nina Jason Perkins, AlÂmond Vosotros at Oda TamÂpus para kunin ang maÂlaking 77-60 bentahe.
Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Green Archers.
Humakot si Perkins ng 19 points at 16 rebounds, habang nagdagdag sina Vosotros at Norbert Torres ng tig-16 markers kasunod ang 12 ni Jeron Teng para sa La Salle.
DLSU 85 – Perkins 19, Vosotros 16, N.Torres 16, Teng 12, Van Opstal 7, Revilla 6, Montalbo 5, Tampus 4, T.Torres 0, Salem 0.
UP 63 – Asilum 18, SoÂÂyud 11, Marata 11, Wong 6, Lao 6, Harris 4, Desiderio 4, Pascual 3, Suarez 0, Paras 0, Gingerich 0, Gallarza 0, Amar 0.
Quarterscores: 23-20; 35-42; 61-56; 85-63.
NU 75 – Rono 19, Villamor 18, Parks 10, Alolino 10, Khobuntin 9, Mbe 4, Javillonar 3, Perez 2, Rosario 0, Porter 0, Neypes 0, Labing-isa 0, Javelona 0, Alejandro 0.
UST 61 – Abdul 18, FerÂrer 11, Mariano 9, DaÂquioag 9, Lo 5, Bautista 5, Teng 2, Sheriff 2, Tan 0, Pe 0, Lao 0.
Quarterscores: 17-14; 36-33; 56-44; 75-61.