MANILA, Philippines - Dinurog ng women’s basketball team ang SingaÂpore, 74-52, sa pagbubuÂkas ng 2nd Discovery Women’s Invitational-Jessie Robredo Memorial Cup noong Huwebes sa Naga City Coliseum, Naga City.
Si Merenciana Arayi ay mayroong 15 puntos para pamunuan ang pag-atake ng koponang suportado ng Discovery Suites para pasimulan ang labanan sa hanay ng tatlong koponan.
Dikitan ang tagisan sa unang tatlong yugto at angat lamang ang host team ng tatlo, 51-48, sa ikatlong yugto.
Ngunit gumana ang opensa ng tropa ni coach Haydee Ong sa huling yugto at ang 14-0 run ang tuluyang nagbaon sa SiÂngaporeans.
Ang ikatlong koponan na kasali na Australia ay nanaig din sa Singapore, 90-46, kahapon ng umaga.
Walang panapat ang Singapore sa mga higante ng Australia na sina 6’3 BianÂca Abbott at 6’2 Hanna Zavecz upang malag-lag sa 0-2 karta.
Nagkrus ang landas ng Pilipinas at Australia kahapon ng hapon upang malaman kung sino ang lider matapos ang una sa dalawang ikutan na eliminasyon.
Ang mangungunang daÂlawang bansa matapos ang double round ang maglalaban sa Finals sa Linggo.
Ang ligang ito ay tuneup ng National team para sa pagsali sa FIBA Asia WoÂmen’s Championship mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 3 sa Bangkok, Thailand.