Pupuntirya ng panalo vs UST: NU gustong dumikit sa itaas
Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. La Salle vs UP
4 p.m. UST vs NU
MANILA, Philippines - Gugulong ang NatioÂnal University sa kanilang ikaapat na sunod na panalo sa pagharap sa UST sa pagpapatuloy ng 76th UAAP men’s basketball ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Sa dakong alas-4 itiÂnakÂda ang nasabing tagisan at ang Bulldogs ay magtaÂtangka na dumikit pa sa nangungunang FEU sakaling maisulong ang pumapangalawang 6-3 baraha.
Tinalo ang mga koponan ng La Salle, FEU at AdamÂson, nangibabaw rin ang tropa ni coach Eric AltaÂmirano sa Tigers sa unang pagtutuos, 71-67, para mapaboran sa labanan.
Ngunit hindi dapat na magkumpiyansa ang Bulldogs dahil ang bataan ni coach Alfredo Jarencio ay naÂngangailangan din ng panalo para manatiling palaban sa puwesto sa Final Four.
May pantay na 4-4 karÂta, ang UST na kasalo ang Ateneo sa ikalima at anim na puwesto at natalo sa huÂling laro sa UE, 67-68, ay makakasama na ang team captain at kamador na si Jeric Teng.
Matatandaan na si Teng ay dumanas ng shoulder injury na nakuha sa unang laro nila ng Bulldogs matapos itulak sa likuran ni Jeoffrey Javillonar.
Tiyak na nais ni Teng na makabawi at gagawin niya ito sa pamamagitan ng pagbitbit sa koponan sa panalo.
Ikatlong sunod na panalo ang hanap naman ng La Salle sa pagsukat sa UP sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon.
Magpaparada ng baÂgong head coach ang MaÂroons sa katauhan ng naÂunang naupong team maÂnager Rey Madrid matapos ang pagbibitiw ng dating mentor na si Ricky Dandan.
Kailangan ni Madrid na makuha ang lubusang suÂporta sa kanyang mga manlalaro para masabayan ang mainit na paglalaro ng Archers na pinabagsak ang Adamson at FEU sa unang dalawang asignatura sa second round.
- Latest