David nagbida: Inilusot ang Batang Pier sa panalo
Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome, Pasay City)
5 p.m. Barangay Ginebra vs Meralco Bolts
MANILA, Philippines - Kumunekta ng krusyal na tres si Gary David sa huÂling 9.3 segundo para bitbitin ang Globalport Batang Pier sa 91-88 panalo sa Alaska Aces sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Isinantabi ni David ang mga balitang pasisibatin na siya sa koponan nang pagbidahan ang ikalawang panalo sa tatlong laro ng Batang Pier sa kinamadang 10 puntos.
Dalawang tres ang kanÂyang inilagak sa huling yugto at ang pangalawa ay nangyari matapos itabla ni Cyrus Baguio ang iskor sa 88-all.
Hindi nilubayan ng depensa ang mga shooters ng Aces na sina Baguio, Jayvee Casio at Dondon Hontiveros sa sumunod na tagpo para mapilitang ipukol ni Casio ang wala sa pormang tres tungo sa pagÂlasap ng unang pagkatalo ng tropa ni coach Luigi Trillo.
“Tribute to Gary, Âhe has the heart and he drained that game winner,†wika ni Globaport coach Junel Baculi.
Si Markeith Cummings ay mayroong 28 puntos at 11 ang kanyang ginawa sa ikatlong yugto na kung saan nakipagsabayan ang tropang pag-aari ni Mikee Romero sa Aces para magkatabla sa 68-all.
May 14 puntos si Willie Miller habang ang bagong saltang si Anthony WaÂshington ay naghatid ng 11 puntos at ang Batang Pier ay nakabangon sa 74-94 pagkakapahiya sa kamay ng nagdedepensang kampeon Rain or Shine sa huling laro.
“Sa last game namin, parang magkakagalit kami, lahat nakasimangot. NgaÂyon maganda ang ipinakita namin, we stayed discipline at sana ay masustain namin ito,†pahayag ng two-time MVP na si Miller.
May 28 puntos si Wendell McKines sa laro at ang kanyang offensive rebound tungo sa pasa sa libreng si Baguio ang nagresulta sa tres sa huling 1:07 ng labanan.
Nagpalitan ng sablay sina David at Hontiveros sa sumunod na tagpo bago hindi na pinakawalan pa ng National player na nakasama sa nanalo ng pilak sa FIBA Asia, ang pagkakataon na tumayo bilang bayani sa kanyang winning shot.
Samantala, sasagupain ng Barangay Ginebra San Miguel ang Meralco Bolts ngayong alas-5 ng hapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
GlobalPort 91 - Cummings 28, Miller 14, Washington 11, David 10, Mercado 9, Hayes 5, Nabong 4, Lingganay 4, Yee 4, Alonzo 2, Faundo 0.
Alaska 88 - McKines 28, Thoss 16, Baguio 13, Casio 11, Abueva 7, Espinas 6, Hontiveros 3, Ramos 2, Dela Cruz 2, Jazul 0.
Quarters: 19-26, 44-45, 68-68, 91-88.
- Latest