LAS VEGAS--Naitaas na ni Chris Paul ang Los Angeles Clippers sa Western Conference. Ngayon ay sisikapin naman niyang palakasin ang NBA players’ association.
Inihalal si Paul bilang presidente ng players’ union noong Miyerkules para palitan si Derek Fisher.
Ang boto ng NBA player representatives ay nangyari anim na buwan matapos sibakin ng union si Billy Hunter bilang executive director, isang posisyon na nananatiling bakante hanggang sa ngayon.
Nagsampa si Hunter ng isang wrongful-termination lawsuit noong Mayo kung saan niya inakusahan si Fisher ng pakikipagsabwatan sa NBA officials sa kasagsagan ng 2011 lockout.
“It’s not about me as president or the first vice president, it’s about the players as a whole,†sabi ni Paul sa isang conference call.
Ang isa sa pinakamagandang ipinapakita ni Paul sa basketball court ay ang kanyang abilidad na masangkot ang lahat ng kanyang teammates.
Ngayon ay ito rin ang kanyang gagawin sa players’ union.
Kabilang sa mga marquee players na nanguna sa union ay sina Bob Cousy, Oscar Robertson, Alex English at Isiah Thomas.
Ngunit si Paul, isang six-time All-Star, ang unang big star na hahawak sa top spot matapos si Patrick Ewing noong 2001.