MANILA, Philippines - Dalawang football leÂgends ang magpapaganda pa sa tagisan ng magkapatid na sina Phil at James Younghusbands sa Clear Dream Match II sa Sabado sa University of Makati.
Si Fabio Cannavaro na team captain ng Italy noong nanalo sila sa 2006 FIFA World Cup, at Dennis Wise na nanalo ng ilang titulo sa Chelsea, ay nasa bansa para sumali sa torneo na handog ng Clear, ang numero unong shampoo brand sa kalalakihan sa bansa.
Si Cannavaro ay makakasama ng Team James na nais na makabawi matapos talunin ng Team Phil sa unang edisyon noong nakaraang taon.
Gumawa ng hat-trick si Phil para katampukan ang one-sided na 5-1 panalo sa Team James na ginawa rin sa UMAK.
Sa pagkakataong ito ay maghihiganti si James katuwang si Cannavaro natiyak din ang kahandaan na ipakita ang talento at ipanalo ang koponan.
“Last year’s match was one sided. This year, I want to help James even the score,†wika ni Cannavaro.
Hindi naman magpapahuli si Wise na tatapatan ang husay ng import ng kabila upang tumatag ang hangad na 2-0 iskor ni Phil.
“Like Phil, I love to win and I always love to score goals. That’s the type of team I want to be associated with,†wika ni Wise.
Ang larong ito ay mangyayari dahil na rin sa suportang ibinibigay ng Smart, Greenwich, Seda Hotels, Adidas, Gatorade, Rappler at TechnoMarine.
Si Cannavaro ay tubong Naples at ikinokonsidera bilang isa sa pinakamahusay na defender sa kanyang henerasyon. May taguri siya bilang “Mudo di Berlino†(The Berlin Wall) dahil sa husay sa pagdepensa at matapos mapanalunan ang World Cup noong 2006, karapat-dapat lamang na siya ang hinirang bilang FIFA Player of the Year.
Sa kabilang banda, si Wise ay isang central midfielder na kilala sa pagiging agresibo sa paglalaro. Siya ang team captain ng Chelsea noong nanalo sila ng FA Cup noong 1997 at 2000, ang League Cup noong 1998 at UEFA Winner’s Cup noong 1998.
Ang iba pang manlalaro na kukumpleto sa dalawang koponan ay nangyari dahil na rin sa boto mula sa mga panatiko ng football at ng mga Younghusbands.