Myanmar SEAGOC hinihingi na ang entry by-names
MANILA, Philippines - Minamadali na ng MyanÂmar SEA Games Organizing Committee ang pagpapadala ng talaan ng delegasyon ng mga sasaÂling bansa para malaman kung ilan at kung saan sila ilalagay kapag ginawa na ang palaro sa Disyembre.
“They (National Olympic Committees) have to send their lists to the Olympic Committee of Myanmar for official approval,â€wika ng Minister of Sports ng Myanmar Htay Aung.
Nagbigay ng deadline ang host country ng Agosto 15 hanggang Setyembre 15 para ibigay ng mga NOCs ang kanilang entry by names.
Pero maaari pa naman silang magpalit ng pangalan dahil ang official list ng delegasyon ay gagawin pa sa Oktubre.
Ang Pilipinas ay nagbabalak na magpadala ng humigit-kumulang na 300-kataong delegasyon na maghahangad na mapantayan kungdi man ay higitan ang 36-56-77 medal tally na nakuha sa 2011 Indonesia SEA Games.
Nagsagawa na ng screening ang Task Force SEA Games na binubuo ng mga opisyal ng POC at PSC at may listahan na sila ng mga atletang pumasa sa criteria.
Pero hindi pa ipinalalabas ito dahil kailangan pa itong talakayin nina PSC Chairman Ricardo Garcia at POC President Jose Cojuangco Jr.
Naunang nagsabi ang PSC at POC na mga atletang may kakayahang manalo ng ginto lamang ang ipadadala ngunit habang lumalapit ang SEAG ay niluwagan din nila ang criteria tulad ng pagbibigay pagkakataon na maÂkasama ang men’s at woÂmen’s football teams, ang women’s basketball at mga batang atleta na maaaring pakinabangan ng mga NSAs sa susunod pang malakihang international competition.
Mahigit na 1000 atleta at opisyales mula sa 11 SEA countries ang inaasahang dadalo sa SEAG mula Disyembre 11 at 22 at ang Myanmar ay nagbabalak na gamitin ang mga hotels sa Nay Pyi Taw, Yangon, Mandalay at sa Ngwehsaung beach para maÂpagkasya ang mga bisita.
- Latest