MANILA, Philippines - Tiniyak ni Jurence Mendoza na magiÂging makinang ang kauna-unahang pagÂlahok sa 2nd Asian Youth Games nang hawakan na niya ang bronze medal sa larong tennis na ginagawa sa Tennis Academy of China sa Nanjing.
Naipagpatuloy ni Mendoza, ang flag bearer ng Pambansang delegasyon sa opening ceremony, ang magandang laro na nakita mula pa sa first round nang paÂtalsikin si Wong Hong Kit ng Hong Kong sa kumbinsidong 6-1, 6-2, panalo sa quarterfinals kahapon.
Umabante ang second seed sa torneo si Mendoza, ang 89th ranked sa mundo, sa semifinals para makatiyak na ng awtomatikong bronze medal.
Ngunit puwede pa niyang gawing pilak o ginto ang kulay ng medalya kung maaalpasan si Garvit Batra na isang Independent Olympic Athlete, na pinagpahinga si Roman Khassanov ng Kazakhstan, 6-1, 6-1.
Ang tagumpay ni Mendoza ay pumawi sa mga kabiguan sa athletics at sa 3-on-3 men’s basketball
Hindi naman pinalad ang kambal na Fil-Am spinters na sina Kayla at Kyla Richardson na makapaghatid ng medalya nang tumapos lamang sa ikalima at anim na puwesto sa girls’ 100-meter run noong Martes ng gabi sa Nanjing OSC Stadium.
Ang 15-anyos na si Kayla ay naorasan ng 12.30 segundo para malagay sa ikalimang puwesto at angat ng walong milliseconds sa kambal na si Kyla.
Ang ginto ay napanalunan ni Mangi Ge ng China sa 11.91 segundo habang ang mga Thai runners na sina Parichat Charoensuk at Kanchanaporn Sintakbsab ang kumuha sa pilak at bronze medals sa 12.19 at 12.26 segundo.
Pinaluha uli ng Iran ang mga panatiko sa basketball nang patalsikin nila ang Pambansang koponan sa 3-on-3 gamit ang 16-14 panalo sa knockout quarterfinals na nilaro sa Wutaishan court kahapon.
Hindi napangalagaan ng Nationals ang 9-2 kalamangan para yumukod ang Pilipinas sa Iran sa ikalawang pagtutuos sa international competition.