Mapua, EAC mag-uunahan sa panalo
Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
6 p.m. Mapua vs EAC
MANILA, Philippines - Palalakasin ng GeneÂrals ang kanilang tsansa sa Final Four, samantalang hangad naman ng CarÂdinals na makawala sa kaÂmalasan.
Nakatakdang labanan ng Emilio Aguinaldo College ang Mapua ngayong alas-6 ng gabi sa elimination round ng 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.
Nanggaling ang GeÂnerals sa 79-63 paglampaso sa Arellano Chiefs sa kanilang huling laro noong Sabado, habang kasalukuyang nasa isang seven-game losing slump ang Cardinals.
Kasalukuyang magkasalo sa liderato ang Letran College at ang three-time champions San Beda College mula sa magkatulad nilang 7-1 kartada kasunod ang Perpetual Help (6-2), Jose Rizal University (5-3), San Sebastian College (4-4), EAC (3-5), College of St. Benilde (3-5), Arellano 2-6), Lyceum (2-6) at Mapua (1-7).
Posibleng labanan ng Generals ni Gerry Esplana ang Cardinals ni Atoy Co na wala si bigman Sydney Onwubere ng makipag-away kay Fil-Canadian James Forrester ng Chiefs matapos ang kanilang laro.
Sinabi ni NCAA Commissioner Joe Lipa na rerebyuhin pa niya ang naÂsabing laro ng EAC at Arellano bago magdesisÂyon kung papatawan ng suspensyon sina Onwubere at Forrester. (RC) )
- Latest